ARIEL H. CUSTODIO
Wednesday, October 20, 2010
Paano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya?
Ayon sa aklat ni San Pablo sa kaniyang Unang Sulat sa mga Taga-Corinto 13: 1-13:
"Ang pag-ibig ay matiisin... may magandang loob;... hindi nananaghili, hindi nagmamapuri, hindi palalo; hindi lumalabag sa kagandahang-asal, di naghahanap ng para sa sarili, di nagagalit, di nag-iisip ng masama; hindi natutuwa sa kasamaan, ngunit ikinagagalak ang katotohanan..." Idinagdag pa niyang "Ang pag-ibig ay di kailanman magmamaliw..." Ayon pa rin kay San Pablo, may tatlong bagay na mananatili: ang pananampalataya, ang pag-asa, at ang pag-ibig; subalit pinakadakila sa mga ito ang pinakahuli: ang pag-ibig
Pagibig ang solution sa matatag na Pamilya na Naghahari ang Panginoong Dios
Mahalaga ang pamilya dahil ito ang sentro ng ating lipunan. Ang isang barangay ay binubuo ng bawat pamilya. Kung walang mga pamilya walang barangay, walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at walang isang bansa. Nabuuo ang isang bansa mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya. Yan ang ilan sa nga kahalagahan ng isang pamilya.
Ang tanong ay Papaano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya? Bago natin talakayin ang pagbuo ng isang matatag na pamilya ay sagutin muna natin ang katanungan na: “Ano ang kahulugan ng pamilya para sa yo?
Si “Tatay, nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya”
May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang kahong puno ng mga bagay na ipinasok ano gusto mo, nakapaloob dito ang pagmamahal, katuwaan, kaligayahan at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahong mabubuksan kailan mo.
Ngunit lalong mainam na ihalintulad natin pamilya sa walang lamang kahon. Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay. Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya.
Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa. Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.
Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya. Maaaring mayaman o mahirap sila. Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak. Saan ka man sa mga nabanggit ay bahagi ka ng ating talakayan, kaibigan.
Sabi nga nila ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tama po ba? Tumutulong silang humubog ng mga taong magiging duyan ng magandang lipunan.
Ang payo nga ng isang guidance counselor: “Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya”
.
Ano ang kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya?
Kaibigan para maging matatag ang inyong pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya: may pananagutan sila sa isa’t isa; nagpapakita ng pagpapahalaga; may mabuting komunikasyon; may panahong nagkakasama-sama sila; sumusunod sa kanilang mga paniniwalang ispiritwal at umaayon sa kanilang mga pagpapahalaga at nakakaagapay sa stress.
Pananagutan
Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa, sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Halimbawa ay:
Maging tapat sa inyong pamilya. Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha. Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;
Tuparin ang mga pangako sa mga miyembro ng pamilya.
Maging maaasahan. Tumawag o magtext sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi lalo na kong hindi makabalik sa takdang araw ng pag-usi mula sa trabaho.
Kung naglakbay ka sa malayo, huwag din kalimutang tumawag at huwag mangingiming magsabi ng “mahal kita ikaw lang babae sa aking puso” (PLAY LAUGHING)
Kapag may problema, dumulog sa isang kamag-anak, kaibigan , para matulungan kayong harapin ito.
Pagpapahalaga
Ipakita pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila.
Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ay mahal mo.
Kilalalanin ang katangian ng membro ng pamilya. Purihin ng positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.
Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, Ikaw tatay lalo na kay Nanay (PLAY LAUGHING).
Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba, Pag-agapay
Alalahanin walang pamilya ay hindi nagkakaroon ng problema. Ngunit gamitin ang problemang ito para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging dam para mapalapit sa isa’t isa. Kaibigan, makinig ka, kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag.
Pwede mo itong subukin para ma solved ang problema ng iyong pamilya:
Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.
Kunsultahin ang iyong pamilya, magsagawa ng Maswara o meeting. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay malalagpasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.
Harapin ang mga problema nang dahan-dahan. Gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.
Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks. Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.
GodBless to all Family
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Thank you very much....salamat talaga....it really helps.. :)
ReplyDeleteMaraming Salamat Kapatid, at napapakinabang ang mga sinusulat natin, May Allah Blessed.. (Alih S. Anso -DXUP Teleradyo)
ReplyDelete