ARIEL H. CUSTODIO

My photo
RIYADH, KINGDOM OF SAUDI ARABIA, Saudi Arabia

Saturday, October 16, 2010

Naisip na ba natin kung ano ang magandang pwedeng maidulot ng magandang pagsasama nating mga magulang bilang mag-asawa sa ating mga anak?

Naisip na ba natin kung ano ang magandang pwedeng maidulot ng magandang pagsasama nating mga magulang bilang mag-asawa sa ating mga anak? Ayon sa pag-aaral, marami sa mga problema ng bansa maging sa buong mundo ngayon, na kinasasangkutan ng mga bata o kabataan ay may kinalaman na rin sa sira o hindi magandang relasyon ng kanilang mga magulang.  Mga magulang maliban sa pagbibigay sa ating mga anak ng mga material na bagay, sana ay ang mabigyan din natin sila ng buo at masayang pamilya.

Sa lahat ng pangangailangan ng ating mga anak, hindi madalas mabangit na ang pasasama ng mag-asawa ay mahalaga din. Isa sa mga pinakamabuting regalo na maari nating ibigay sa ating mga anak ay ang mabuting pagsasama nating mag-asawa. Mabuti ito hindi lamang sa mag-asawa kundi sa buong pamilya. Ano man ang nakikita sa loob ng tahanan ay nagsisilbing pundasyon ng ating mga anak, kung paano nila haharapin ang buhay. Nakakatulong ang mabuting samahan ng mag-asawa sa pagkakaroon ng security of emotion upang hindi sila maging super sensitive at nagkakaroon din sila ng balanseng pananaw sa buhay at mundo

Ayon sa pag-aaral nakakatulong sa pag-develop ng sense of self worth, magandang emotional health at academic performance ang batang napalaki ng mga magulang na may mabuting samahan. Ibig sabihin, napalaki ang bata sa isang happy, loving at safe na tahanan. Malayong malulong sa masamang bisyo, mag-asawa ng wala sa oras at maging bahagi ng grupong problema ng lipunan ang batang lumaki sa ganitong tahanan. Patunay lamang ito na ang buhay mag-asawa ay hindi mahihiwalay sa buhay ng kanilang mga anak. Lalaking positibo at produktibo ang ating mga anak kung tayo ay tapat sa Diyos at sa ating pagsasama dahil ito ay huhubog sa kanilang mga puso at isipan. Mas madali nilang mauunawaan ang kahulugan ng buhay at kahulugan ng pamilya kapag nakikita nila ang magandang halimbawa natin. Masarap isipin na sa panahong magbalik tanaw ang ating mga anak ay masabi nilang ang tagumpay nila sa buhay ay nag-ugat sa pagkakaroon nila ng mabuting magulang.


IMMEDIATE Results sa mga anak natin kung maganda ang buhay mag-asawa:
  • Kampante ang bata at makikita ito sa performance niya sa school
  • Maganda ang tulog (no nightmares)
  • Magana sa pagkain
  • Healthy physical growth
  • Nakakapag-laro
  • Magandang Relasyon sa Dios at simbahan
In terms of long term effects, mas well-adjusted ang ating mga anak emotionally at nagkakaroon sila ng healthy at positibong pananaw sa buhay (pera, friendship at work). Mga magulang habang maliliit pa ang mga anak natin sikaping magawa ang tama para mas pagandahin ang ating relationships dahil yan lamang ang pinaka-importante sa buhay relasyon sa Dios at pamilya  natin, kaya alagaan natin ang ating mga anak at asawa sa pamamagitan ng pagbigay ng ating mga sarili kasi its worth it. 

Mahalaga ang samahan nating mag-asawa sa development ng ating mga anak. Higit pa sa materyal na bagay ang maaari nating maibigay sa kanila, kung maganda ang pagsasama nating mag-asawa. Mahalin natin ang ating mga asawa, dahil bukod sa utos ito ng Dios, magandang impluwensya ito sa ating mga anak




GodBless Us ALL

No comments:

Post a Comment