ARIEL H. CUSTODIO

My photo
RIYADH, KINGDOM OF SAUDI ARABIA, Saudi Arabia

Monday, November 8, 2010

Paano makamtan ang matagumpay na pagsasama ng Mag Asawa








Karaniwang kasabihan ng iba ang Pagaasawa daw ay “lumagay na sa tahimik” ngunit sabi ng iba hindi daw “pumasok sa magulong buhay” Hindi natural lang na sinumang pumasok sa buhay may-asawa ay ang maging maligaya siya sa piling ng kaniyang magiging kabiyak. Subalit, batid natin na marami ang nabigo sa pinapangarap at inaasam na kaligayahan sa pagtahak sa landas ng pag-aasawa. Ngunit taliwas sa inaasahan, dahil ang nakikita natin sa ating kapaligiran ay taliwas, dahil patuloy na dumarami ang bilang ng mga wasak na tahanan (broken home). Marami ring mag-asawa na humantong lamang sa paghihiwalay (broken marriage).

Hindi ba ng likhain ng Diyos si Adan, ngunit hindi siya maligaya at dahil batid ng Diyos paano siya maging maligaya ay kailangan niya ang isang tulad niyang tao na makakasama doon sa paraiso.

Kaya, “sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay mag-isa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya” (Gen. 2:18).

Ang katotohanang ito ay pinatunayan ni Apostol Pablo nang kaniyang sabihin, “kailangan ng lalaki ang babae, at kailangan din ng babae ang lalaki” (I Cor. 11:11, Salita ng Buhay). Ang Diyos mismo ang nagtatag ng institusyon ng pag-aasawa nang Kaniyang basbasan sina Adan at Eba:

“At sila’y binasbasan ng Dios at sa kanila’y sinabi ng Dios, Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami …” (Genesis. 1:28)

Papapano maging matatag ang pag-aasawa? Ganito ang Sinabi ng Diyos sa Biblia Genesis 2:18:

“… Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya.”

Ayon sa Poong lumikha o Diyos na ang mga-asawa’y dapat magtulungan. Sila’y dapat na magkaagapay sa pagsalungat sa lahat ng unos na darating sa kanilang buhay.

Ang magasawa ay dapat magsalo sa tuwa at kalungkutan.

Sila’y dapat magdamayan lalo’t higit sa panahon ng karamdaman at kahirapan.

Dapat silang magtulungan sa mga pananagutang iniatang sa kanila ng Maykapal sapagkat kung wala ito ay hind sila magkakamit ng pagpapala ng Panginoon:

“At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios.” (Deuteronomy . 28:2)

Samakatuwid, ang ikatatatag ng pagsasama ng magasawa ay nasa pagtutulungan at pagdadamayan ng dalawang pusong pinagbuklod ng pagmamahalan.

Ngunit hindi dapat magsama ang babae at lalaki ay hindi kasal, dito ang lahat ng relihiyon ay nagkaisa na maging sagrado ang kasal.

Ang kasal ay isang kasunduang panghabangbuhay ng lalake at babaeng nagmamahalan. Sa seremonya ng kasal ang magkabiyak ay kapuwa nanunumpa sa harap ng Diyos at sa harap ng kanilang mga saksi na sila’y magmamahalan at kanilang susundin ang mga batas ng Diyos sa pag-aasawa na itinali sa kanila. Sa hirap at ginhawa, sila’y magsasama hanggang sa sila’y papaghiwalayin ng kamatayan.

Itinuturo rin ng Biblia na ang lalake at ang babae ay dapat na “maging tapat sa isa’t isa” (Heb. 13:4, Magandang Balita Biblia) at “huwag magtaksil ang sinuman” sa kanilang pinakasalan (Mal. 2:15, Ibid.). Ang lalake at babaeng ikinasal ay dapat magkaroon ng banal na takot sa Diyos - hindi nila dapat sirain ang kanilang sinumpaan. Ang Diyos ay nagbabala:

Dapat tuparin ng mag-asawa ang binitiwang sumpa sa panahon ng pagkakasal upang tamuhin nila ang basbas ng Maykapal.

Ayon sa mga experto itinuturing na pinakamaselang panahon sa mag -asawa ang mga unang taon ng kanilang pagsasama. Ang panahong ito ang tinatawag na adjustment period.

Ang bagong kasal ay nagsisimula pa lamang na lubusang makilala ang tunay na likas at pag-uugali ng isa’t isa. Sa panahon ding ito makikita nila ang mga di inaasahang kapintasan na maaaring nakubli sa panahon ng pagliligawan.

Minsan, nagkakaroon ng mga pagsisisihan at pagsusumbatan na maaaring mauwi sa panlalamig, pagkawala ng pag-ibig, at, kapag napabayaan, sa pagkawasak ng pagsasama ng magasawa. Ipinapayo sa lalake at babae na sa halip na magsisihan at mauwi sa di pagkakaunawaan ay pag-aralan na dalhin o batahin ang mga kapintasan ng kaniyang asawa at gawin ang lahat ng matuwid na paraan para malunasan ang anomang di-pagkakaunawaan. Huwag titigan ang mga kapintasan ng asawa. Sa halip, ang bigyang-pansin ay ang kaniyang mga kabutihan at mga katangian.

Ang babae ay dapat magpakahinahon hindi mabuti sa isang babaeng may asawa na salubungin ng sumbat ang kaniyang asawang pagod mula sa maghapong paggawa. Hahantong lamang ito sa pag-aaway at di pagkakaunawaan. Iwasan ang maging magagalitin sapagkat ito ang magtataboy sa asawa.

Sa mga lalake naman “huwag kayong maging mapait” sa asawa. Huwag maging makasarili at mapaghanap. Malimit na inaakala ng lalake na siya lamang ang napapagod at nahihirapan sa paghahanapbuhay samantalang ang babae ang siyang naiiwan sa bahay. Hindi niya nakikita ang mabigat na pasanin na buong tiyagang ginagampanan ng kaniyang asawa lalo na kung wala namang ibang makatutulong sa bahay, gaya ng pag-aalaga sa kanilang mga anak, paglilinis ng kanilang tahanan at mga kasangkapan, paglalaba, pamamalengke, paghahanda ng pagkain, at marami pang iba.

Ang lalake ay dapat maging maalalahanin siya tulad noon siya ay nanunuyo pa lamang. Dapat tandaan ng lalake na ang mga mumun-ting pag-aalaala sa asawa ay pumapawi ng pagod at lalong nagpapausbong ng pag-ibig nito upang lalong maging matatag ang pagsasama.

Napakalaki ng kaugnayan ng pananalangin sa ikapananatiling matatag at maligaya ng pagsasama ng mag-asawa.

Palaging alalahanin na ang mundong ito ay punung-puno ng maraming pakikipagbaka. Naliligid ang tao ng maraming mga tukso. Ang kasamaan ay patuloy sa pagwasak hindi lamang ng ating pananalig sa Maykapal kundi maging ng maligayang pagsasama ng mag-asawa. Hindi dapat payagan ng mag-asawa na ang kanilang tahanan at magandang pagsasama ay sirain ng tukso at kasalanang naglipana sa paligid.

Sikapin ng mag-asawa na mabuhay nang naaayon sa kalooban ng Diyos. Huwag nilang kalimutang hingin sa Diyos ang mga pagpapala na kailangan nila sa pamamagitan ng mga pananalangin. Sa gayo’y tiyak na walang anuman o sinumang makapanghihimasok sa payak at magandang pagsasama ng mag-asawa.
Alalahanin ng mag-asawa na ang pag-ibig ang matibay na nagbubuklod sa dalawang pusong nagmamahalan. Bayaang ang pag-ibig ay manatili sa puso ng bawat isa. Ang mag-asawang umiibig sa isa’t isa ay walang hindi mapagkakasunduan. Ang asawang umiibig ay hind ang sariling kasiyahan lamang ang hinahanap. Hindi siya naghahanap ng sariling kaligayahan lamang kundi higit sa lahat ay ng kaligayahan ng kaniyang minamahal. Ang pag-ibig ay handang magbata at magtiis. Ang umiibig ay handang magtiis sa anumang kasasapitan sa piling ng kaniyang minamahal. Ang pag-ibig ay mapagbigay. Ang umiibig ay hindi maramot sa kaniyang minamahal, ang lahat ay ibinibigay saikaliligaya ng kaniyang minamahal. Ang pag-ibig ay umuunawa. Ang umiibig ay nakahandang umunawa sa anumang mga pagkukulang ng kaniyang minamahal. Ang umiibig ay nakahandang magpatawad sa pagkakamali ng kaniyang minamahal,.



Kasiyahan nawa tayo Dios,
GodBless to All

No comments:

Post a Comment