Huwag ikahiya ang hanapbuhay
Isang hindi magandang kaugalian na naitanim sa tin ng mga Kastila, eh yung isipin' na "Kung sino yung pa easy easy at nagkakapera, sya yung nakakabilib" kaya madami sa tin, ayaw maghanap buhay, o magtrabaho ng patas, kase nga mababa ang tingin dun sa mga naglalako ng taho, binatog, kakanin, tinapa, bibingka, yakult, sorbetes at kung ano ano pa, kesyo mahirap daw na gawain yun, mas madali magpataya ng karera o jueteng o mag-ipon ng tong sa tong-its at mahjong. Kaya kumonti na yung mga self-employed na naglalako ng puto o kakanin na home-made nila, na sa totoo lang ay malaki din ang kita, ikaw ba naman, masyado madadamage ang self-esteem mo sa pagtatrabaho ng patas, syempre masisira ang motivation mo.
Pero sa totoo lang, yung mga nakita ko nung araw na ganito yung trabaho, sila pa yung nakapagpundar ng bahay, napag aral yung mga anak, nakaipon. Siguro isa na din sa dahilan kaya tumigil na sila sa paglalako o ayaw na din sila pagtindahin ng anak nila kase nagtatrabaho na sa call center o kung saan man na medyo disente ang kita at syempre nakaporma. So pano kung ang ginawa nila ay kumuha sila ng Business Administration saka nila ini apply sa negosyo ng magulang nila? ano sa tingin nyo mangyayari?
Since, ikinahihiya mo yung kinabubuhay ng magulang mo, e di bahiran mo ng konting kasosyalan. Innovation! Yung kakanin na dati nakabalot sa dahon ng saging ilagay mo sa styro tapos lagyan mo ng plastic wrap sa ibabaw, dagdagan mo ng creativity, mag print ka ng sticker lagyan mo ng brand name halimbawa "Nanay's Kakanin". Since masarap naman yung kakanin ng nanay mo, kunin mo yung formula o recipe sa kanya, tapos mag hire ka ng ibang magluluto para di na mapagod yung nanay mo, since ayaw mo din magluto di ba, gusto mo "manager" ka, di bakit hindi mo imanage yung negosyo ng nanay mo, kesa imanage mo yung si Dyolibi na bibigyan ka lang naman ng 14thou isang buwan. Since maarte at maporma ka nga, maghire ka din ng magdedeliver, tapos lahat ng suki ng nanay mo ipakuha mo ang celphone number, para text text na lang kayo, i di ba, save ka pa ng time at energy. So kung puhunan nyo sa pagluluto ng puto eh nasa 400 pesos nakakagawa ng 10 na Bilao at benta per bilao eh nasa 200 din( syempre since may brand name ka na pwede ka na magtaas ng konti ng presyo) so gross profit mo per day eh nasa 1600, multiply mo sa 30 = 48,000/month, kaya mo ba kitain yan sa dyolibi o sa call center? At syempre since, magaling ka mag manage, next move mo ay expansion, hindi lang yung mga dating customer ng nanay mo ang bebentahan mo, lalawakan mo na yung teritoryo na pagbebentahan mo.
So same formula sa tinapa, since maamoy sya, e di ilagay mo sa microwavable na plastic container, kung taho naman, ilagay mo na sa cup, tapos tawagin mo ng english "SoyMilk" na sya, lagyan mo ng flavor.
Saan ba sa tingin nyo nagsimula yang Dolor's kakanin na yan, Collette's Buco Pie, etc, etc. Walang overnight success sa negosyo, lahat pinagtyatyagaan at pinagbubuhusan ng panahon at determinasyon. Kung totoo yung kwento ni Aristocrat na dati lang sila karinderya, hindi ka ba nai-inspire?
Magaling ka pala pumorma eh, eh di gamitin mo at ilagay mo sa lugar. Tignan mo yung mga chinese sa divisoria, mukhang gusgusin pag nasa tindahan nakasando lang, pero pag nasalubong mo sa mall mahihiya ka sa suot mo na Lacoste na galing Greenhills kase yung sa kanya orig. Ikaw naka-taxi sya nakakotse. Siya naka Blackberry ikaw naka-Blackberry din, china phone nga lang, siya na chinese hindi gumagamit ng China Phone. O nakasabay mo kumain sa soyal na restaurant, pansinin mo kung nagtatanong sila sa waiter kung ano pinakamurang pagkain?
GodBless to all...